Kumikilos na ang pamahalaang panlalawigan ng Puerto Princesa para pigilan ang posibleng pagpasok ng bagong variant ng COVID-19.
Ayon kay Palawan Gov. Jose Alvarez, mahigpit na nilang pinababantayan ang mga pantalan sa lalawigan matapos na maiulat ang bagong variant ng COVID-19 sa Sabah.
Kaya naman nang marinig umano niya ito, agad niyang pinakilos ang kanilang tauhan para bantayan ang mga pantalan lalo na ang malapit sa Sabah.
Tinatayang nasa 300,000 hanggang 500,000 undocumented Filipino ang nakatira sa Sabah na kapwa inaangkin ng Pilipinas at malaysia ang naturang teritoryo.