Hindi umano maaaring papanagutin sa batas ang mga indibidwal na tumanggap ng hindi rehistradong COVID-19 vaccines.
Ito ang paglilinaw ni FDA Dir. Gen. Eric Domingo kaugnay sa kung mayroon bang pananagutan ang isang consumer partikular ang mga opisyal ng gobyerno sa paggamit ng hindi otorisadong coronavirus vaccine.
Ani Domingo, sa kaniyang personal na papanaw hindi niya irerekomendang papanagutin ang isang consumer na nasa tamang edad at pag-iisip na bibili o gagamit ng isang bakuna dahil ito aniya ay personal nang responsibilidad.
Dagdag pa ni Domingo hindi na kakayanin ng pamahalaan na o ng batas na bantayan ang bawat isang mamamayan.
Sa ilalim ng Republic Act 9711 o FDA Act of 2009, ang mga nag-aangkat, nagbebenta at nangangasiwa ng mga hindi rehistradong bakuna ang tanging sakop ng nasabing batas.