Maaari pang makapagparehistro ang mga botanteng hindi nakahabol sa huling araw ng voters registration nitong 2020.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez, ibabalik na ang voters registration sa January 4, 2021.
Kaugnay nito, hinimok ni Jimenez ang lahat na samantalahin ang pagkakataon para makapagparehistro upang makibahagi sa halalan sa 2022.
Magugunitang itinakda ang huling araw ng voters registration ngayong taon noong December 29 habang suspendido naman ito noong holiday.