Dapat respetuhin ng isang bansa ang umiiral na polisiya ng kapwa nito bansa.
Ito ang iginiit ng Malakanyang matapos aprubahan US President Donald Trump ang batas kung saan nakapaloob ang ipinataw na parusa sa opisyal ng ibang bansa na nagbabanta o nagpapakulong sa mga mamamahayan kabilang na si Maria Ressa ng Rappler.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ginagalang ng pamahalaan ng Pilipinas ang soberenya, kalayaan at pagkakapantay-pantay sa Estado Unidos.
Kaalinsabay nito, may sarili aniyang malayang institusyon at batas ang Pilipinas na kinakailangan ipatupad at ginagamit.
Binigyang diin ni Roque, dapat matutunan ng bawat bansang igalang ang domestic policies ng isa’t isa at hindi dapat payagan ang panghihimasok sa sobereniya ng ibang nasyon.
Ani Roque, nakabatay rin ito sa charter ng United Nations kung saan nakasaad na umaakto ang organisasyon at mga miyembro nito base sa prinsipyo ng pagkakapantay-pantay ng soberenya ng bawat isa.