Inirereklamo ng ilang pasahero mula US at South Korea ang quarantine facility sa Batangas.
Ayon sa mga nasabing pasahero nakakadiri ang nasabing hotel na dinatnan nila mula sa nakakapagod at nakakapuyat na biyahe.
Ayon kay Father Alberic Lazerna, isa sa mga pasaherong dumating sa naturang hotel kahapon ng madaling araw wala silang makausap na opisyal, walang pagkain at walang wifi para sana makausap din nila ang kanilang mga kaanak.
Kung hindi sila maililipat sinabi ni Lazerna na posibleng sa nasabing hotel nila salubungin ang bagong taon.
Sa inisyung memorandum ng IATF sa travel restriction 14 na araw dapat manatili sa loob ng quarantine si Lazerna kasama ang iba pang pasahero mula Amerika at South Korea kahit negatibo pa ang swab test.