Hinimok ng Department of Agriculture (DA) ang publiko na tangkilikin ang mga lokal na prutas ngayong pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, dahil tradisyon na ang pagkakaroon ng mga bilog na prutas tuwing bagong taon, magandang pagkakataon ito para maitaguyod ang industriya ng prutas sa bansa.
Tiyak rin aniyang makikinabang rito ang mga magsasaka at kanilang pamilya.
Payo ng kalihim, isama sa pamimili ang mga prutas na pinya, chico, bayabas, dalanghita, perante, melon, suha, atis, pakwan, dragon fruit, papaya at avocado.