Sugatan ang 3 indibidwal, kabilang ang 2 menor de edad, matapos umanong masabugan ng paputok sa magkahiwalay na insidente sa Nueva Ecija.
Ayon sa Nueva Ecija Police Provincial Office, nakilala ang isa sa mga biktima na si Jay Ar Anastacio, 28 taong gulang, ng Barangay Villamarina, San Jose City.
Hindi naman tinukoy ang pagkakakilanlan ng isang 8 taong gulang na batang lalaki mula sa Barangay Palomaria, bayan ng Bongabon na nabiktima rin ng paputok, gayundin ang isang 10 taong gulang na bata mula sa Barangay Abar Uno sa lungsod din ng San Jose.
Sinasabing ang mga biktima ay kapwa na naputukan ng “kwitis” na isa sa mga bawal na paputok.
Nagtamo si Anastacio ng 1st degree burn nang sumabog ang paputok sa kanyang kamay habang natalsikan naman ng sumabog na bote na nilagyan ng “kwitis” ang 8 anyos na lalaki.
Samantala, ang isa pang biktima na 10 taong gulang ay naputukan naman sa kanyang kanang binti.