Asahan nang darami pang lalo ang populasyon ng Pilipinas sa susunod na anim hanggang siyam na buwan ng bagong taong 2021.
Ito ang pagtaya ng Commission on Population and Development (Popcom) kasunod na rin ng pagtaas bilang ng tinatawag na lockdown pregnancies nitong nakalipas na taon.
Ayon kay Popcom Director Juan Antonio Perez, nahirapan ang publiko na makakuha ng family planning services dahil sa limitadong galaw ng mga tao dulot ng COVID-19 pandemic.
Una nang inihayag ng popcom na posibleng sumipa ng mahigit 110 milyon ang populasyon ng Pilipinas ngayong taon.
Gayunman, umaasa si Perez na magbabalik normal din ang sitwasyon sa ikalawang bahagi ng taon upang hindi na ito umabot pa sa buwan ng Setyembre.