Patuloy pang nadagdagan ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP) sa pagpasok ng bagong taong 2021.
Batay sa datos mula sa PNP health service, umakyat na sa 9,036 ang confirmed coronavirus cases matapos na madagdagan ng 22 bagong kaso.
Walo ang naitala sa National Operations Support unit, apat mula sa Eastern Visayas habang tig – dalawa naman ang naitala sa National Administrative Support Unit, NCRPO, Davao Region, Cordillera at Bangsamoro Autonomous Region.
Mula sa naturang bilang, aabot sa 352 ang aktibong kaso ng virus sa hanay ng PNP o iyong nagpapagaling pa sa sakit.
Nakapagtala naman ang pnp ng 31 bagong gumaling sa sakit kaya’t umakyat na sa 8,657 ang kabuuang bilang ng kanilang recoveries habang nananatili naman sa 27 ang bilang ng mga nasawi.