Limang katao ang itinuturing na persons of interest ng mga otoridad sa pagkamatay ng 12 anyos na babae na nasawi, matapos tamaan ng ligaw na bala sa kasagsagan ng pagsalubong ng bagong taon sa Lanao Del Norte.
Ayon sa Sapad Municipal Police, pawang kapitbahay ng biktima na kinilalang si Suzette Abrigando ang limang persons of interest na nakatakdang isailalim sa paraffin at ballistic tests.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, nais lamang sanang salubungin ni Suzette at ng kanyang mga pinsan ang bagong taon sa labas ng bahay nang bigla itong matumba.
Nalaman na lamang ng pamilya na stray bullet ang tumama at nakapatay sa biktima nang isugod ito sa pagamutan.