Sumampa na sa 448,258 ang bilang ng mga gumaling mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 8,316 na bagong recoveries.
Batay sa pinakahuling case bulletin ng ahensya, nakapagtala ito ng 891 na bagong kumpirmadong kaso kaya’t pumalo na sa 477,807 ang total COVID-19 cases sa bansa.
Sa nabanggit na bilang, nasa 20,292 ang aktibong kaso.
Nanguna naman ang Davao City sa may pinakamaraming kaso na 65 infections na sinundan ng Rizal na 55 cases, Isabela (50), Maynila (40), at Quezon City (37).
Samantala, sumirit na sa 9,257 ang death toll matapos pumanaw ang apat pang COVID-19 patients.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa
ng 891 ngayong Linggo, Enero 3.Pumalo na sa kabuuang 477,807 ang bilang ng
kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 20,292 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/Utvn9RdObO— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 3, 2021