Sa harap ng balita na may ilang humihingi ng exemption sa pinatutupad na istriktong travel ban at quarantine measures para huwag makapasok sa bansa ang bagong strain ng COVID-19.
Iginiit ni Senator Christopher Bong Go na wala dapat palusutin o i-exempt.
Ayon kay Senator Go, pantay-pantay dapat sa pagpapatupad ng naturang patakaran kung saan walang pipiliin mayaman man o mahirap.
Hindi aniya dapat na sarili lang ang isipin ng iba, dapat ay kapakanan ng nakakarami ang isipin at unahin.
Una rito may report na nakarating kay Senator Go na may ilang travelers ang nagtatangka na lumusot o huwag dumaan sa ilang pinatutupad na guidelines o patakaran sa mga travelers lalo na kung mula sa bansa na mayroon ng kaso ng bagong strain ng COVID-19.
Magbibigay aniya ng babala ang Pangulo sa mga nagtatangkang lumusot.
Giit ni Senador Go kung may mapatunayan na korap o nagpapalusot, dapat pasagasaan ang mga ito sa eroplano.
Kung gaano aniya kabilis kumalat ang sakit na ito, mas mabilis pa dapat ang ating aksyon para proteksyunan ang buhay ng bawat Pilipino.
Matuto na aniya tayo sa pinagdaanan natin noong nakaraang taon.
Kung may balita aniya na may bagong strain na sa isang bansa dapat agad itong idagdag sa travel ban. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)