Binalaan ng Department of Health (DOH) ang mga doktor na babawian ng lisensya kapag napatunayang nakiisa ito sa pagturok ng hindi rehistradong bakuna laban sa COVID-19.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na nakikipag-ugnayan na sila sa Professional Regulation Commission (PRC) para malaman ang pananagutan ng mga doktor na sangkot sa iligal na pagbabakuna.
Ang tugon aniya ng mga ahensya ng gobyerno ay nakadepende sa resulta ng imbestigasyon ng Food and Drug Administration (FDA).
Una nang ibinunyag ng Pangulong Duterte na ilang miyembro ng PSG ang tinurukan ng bakuna mula sa Chinese pharmaceutical company na Sinopharm.