Isinulong ni Senate President Vicente Tito Sotto III ang panukalang ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN corporation.
Sa pamamagitan ito ng Senate Bill 1967 na naglalayong ma-renew ang naipagkaloob na prangkisa sa ABS-CBN sa ilalim ng Republic Act 7966 o ‘an act granting ABS-CBN broadcasting corporation a franchise to construct, install, operate and maintain television and radio broadcasting stations in the Philippines’.
Sinabi ni Sotto na sa ilalim ng liderato ni bagong House Speaker Lord Allan Velasco at mga bagong opisyal ng Kamara maaaring mayroong mas magandang tsansang ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.
Ayon kay Sotto napansin niyang sa mga TV stations ngayon na pinapalitan ng anime ang mga news program na indikasyong nawawala ang kumpetisyon dahil sa pagkawala ng malakas na competitor tulad ng ABS-CBN.
Samantala ipinabatid ni Congresswoman Vilma Santos-Recto na maghahain siya ng kaparehong panukala sa susunod na linggo.
Inihayag ni Recto na ito ang tamang gawin para bumalik sa sirkulasyon ang media giant.
Si Recto ay isa sa mga kongresistang bumoto laban sa pagbasura ng house panel sa franchise renewal ng ABS-CBN sa susunod na 25 taon.
LOOK: Copy of the proposed bill for the renewal of franchise of ABS CBN filed by SP Sotto | via @OBueno https://t.co/70xgwzt12O
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 4, 2021