Umabot na sa 9,111 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng Pambansang Pulisya.
Ito’y makaraang mapaulat ang 20 panibagong mga pulis na nagpositibo sa virus.
Sa inilabas na datos ng PNP Health Service, sa kabuuang bilang, 344 sa mga ito ang nanatiling aktibo o ‘yung nanatiling may virus.
Nasa 16 na mga pulis naman ang nadagdag sa hanay ng mga gumaling o tuluyang nakarekober sa virus, dahilan para lumobo ang bilang nito sa 8,738.
Sa kaparehong datos, umabot na sa 28 ang bilang ng mga nasawi sa hanay ng pulisya, matapos na madagdagan ito ng isang panibagong nasawi dahil sa COVID-19. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)