Naglaan ng higit sa P80-milyong pondo ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina para sa kanilang vaccination program.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na sa naturang pondo, target nilang mabakunahan ang nasa 50,000 katao.
Dagdag pa ni Teodoro, prayoridad na mabigyang bakuna ang mga medical frontliners.
Ito’y para matiyak aniya ang tuloy-tuloy na pagtugon ng lungsod sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Unahin ‘yung mga medical and non-medical frontliners natin, para tuluy-tuloy ‘yung ating COVID response, ‘yung epektibong COVID response. Pangalawa, ang problema natin ay ekonomiya, kaya ang isang sector na tinatarget natin ay working population. Inaalam ko ngayon ang demographics dito, tyaka ‘yung data na meron tayo. Nakipag-ugnayan na kami sa aming Chamber of Commerce at ‘yung mga nasa retail, manufacturing, industrial, para maproteksyunan natin ‘yung ating mga manggagawa. Kailangang-kailangan natin para ma-sustain ‘yung economic activities natin sa siyudad,” ani Teodoro. —sa panayam ng Santos at Lima sa 882