Tatlumpung (30) mambabatas ang sanib pwersang maghahain ng resolusyon para ipanawagan ang pagpapaliban ng pagpapatupad ng PhilHealth ng premium rate hike hanggang 2022.
Ayon kay Anakalusugan Party-List Representative Mike Defensor, tumatayo ring vice chair ng House Committee on Health, natalakay na ng mga mambabatas ang naturang usapin at nasa 30 kongresista mula sa iba’t ibang partido ang sumang-ayon na ipagpaliban ang premium rate hike hanggang 2022.
Ibig sabihin aniya nito, hanggang sa matapos ang taong 2021 ay walang ipatutupad ang PhilHealth na anomang pagtataas sa kontribusyon at maaari lang itong gawin sa 2022.