Idinepensa ng Social Security System (SSS) ang pangangailangan para taasan ang kontribusyon ng kanilang mga miyembro ngayong 2021.
Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Aurora Ignacio, maraming nakaplanong benepisyo ang ahensiya na kanilang ilalaan para sa mga miyembro ng SSS ngayong taon.
Gayunman, sinabi ni Ignacio na nakahanda silang ipagpaliban ang pagpapatupad ng omento sa kontribusyon sakaling ipag-utos din ito ni Pangulong Rodrigo Duterte o ng Malakanyang.
Aniya, kanyang nauunawaan ang naransang hirap ng mga manggagawa at maliliit na negosyo sa gitna ng pandemiya kung saan marami ang nawalan ng trabaho at negosyong nagbawas ng mga manggagawa.
Dagdag ni ignacio, maging ang SSS ay naapektuhan din ng COVID-19 pandemic dahil nabawasan ang natatanggap nilang kontribusyon.
Binigyang diin ni Ignacio, patuloy na nadadagdagan ang mga benepisyong kailangan nilang ipagkaloob lalu’t maraming manggagawang miyembro ang nangangailangan sa kabila nang bumabang kontribusyon na kanilang nakukuha.