Iminungkahi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na isama sa prayoridad na mabigyan ng bakuna kontra COVID-19 ang mga minimum wage earner at Overseas Filipino Worker (OFW).
Sa pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III, karapatdapat na isama sa prayoridad ang mga OFW dahil sila ang itinuturing na “modern-day heroes” habang ang mga minimum wage earner naman ay may malaking ambag sa paggalaw ng ekonomiya.
Kaya naman aniya mahalagang pangalagaan din ang kanilang kalusugan dahil sa kanilang sakripisyo para sa pamilya at bansa.
Ani Bello, maaaring isama bilang panlima o pang-anim sa listahan ang mga OFW at minimum wage earner.