Napagdesisyunan ng korte ng Italy na pagbayarin ng $4.7-M ang Facebook bilang danyos sa isang Italian software development company matapos mapatunayang kinopya ng Facebook ang isang application nito.
Batay sa husgado kinopya ng Facebook ang ‘nearby’ feature mula sa Italy’s Business Competent app na ‘Faround’, isang application kung saan maaaring makita ang lokasyon ng mga pamilihan, kainan at ilan pang mga lugar sa pamamagitan ng geolocalisation.
Samantala, ayon naman sa panayam ng Reuters sa tagapagsalita ng Facebook na pinag-aaralan nilang mabuti ang naging desisyon ng korte ng Italya. —sa panulat ni Agustina Nolasco