Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 50-milyon hanggang 70-milyong Pinoy kontra COVID-19 ngayong taon.
Ito ay ayon kay COVID-19 policy chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. kung saan, nakikipag-ugnayan na aniya ang gobyerno sa mga kumpanya na gumagawa ng bakuna upang makabili ng tinatayang 148-milyong doses ng COVID-19 vaccine.
Aniya, umuusad na ang negosasyon nila sa mga kumpanya ng Novovax, AstraZeneca, Pfizer, Johnson & Johnson, Sinovac, at Gamaleya.
Umaasa rin si Galvez na magkaroon na ng pinal na kasunduan ang pamahalaan sa mga naturang kumpanya ngayong buwan ng Enero.