Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang Veterinary Teleconsultations.
Ito’y para kumonsulta sa beterinaryo, online, ang mga residente ng lungsod na may alagang hayop.
Kahit nasa loob man ng bahay ang mga residente ng lungsod, maaari nilang matugunan ang anumang suliraning pangkalusugan ng kanilang mga alagang hayop.
Isang pamamaraan ito ng lungsod para sa pag-iwas o paglaban sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). —sa panulat ni John Jude Alabado