Kinumpirma ng Department Of Health (DOH) na hindi aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) ang tinatawag na “copper face mask”.
Gayunman sinabi ng DOH, hindi ibig sabihin na wala na itong benepisyo.
Una rito naglabas ang FDA ng advisory kung saan kasama ang listahan ng mga medical grade na face mask at hindi rito kabilang ang copper face mask.
Ngunit ayon sa DOH, posibleng ikunsidera ang copper face mask para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Sinasabi kasi sa ilang pag-aaral kung saan naging popular ang copper face mask dahil sa umano’y antimicrobial layer na taglay nito.