Hindi matutuldukan nang pagbuwag sa partylist system ang problema ng rebeldeng komunista sa bansa.
Sa halip binigyang diin ni Bayan Muna Party List Representative Ferdinand Gaite, na mapagkakaitan ng kinatawan sa Kongreso ang mga mahihirap at marginalized sector kapag inalis ang partylist system na nais umano ng Pangulong Rodrigo Duterte kaya’t nais na maamiyendahan ang Saligang Batas.
Sinabi ni Gaite, na hindi makakatulong ang naturang hakbangin sa crackdown ng gobyerno laban sa CPP-NPA dahil malinaw na kontra mahirap ito.
Binigyang diin ni Gaite, na ang partylist system ay pagbawi sa tagumpay ng mamamayan nuong EDSA 1 na magkaruon ng puwang sa loob ng Kongreso para sa mga madalas ay hindi napapakinggan kayat pagatake sa demokrasya ang nais ng Pangulong Duterte na buwagin ang partylist system.