Limang pang bagong variants ng coronavirus disease (COVID-19) ang mahigpit na binabantayan sa iba pang panig ng mundo.
Batay sa ulat, maliban sa unang nadiskubre sa United Kingdom, mayroon ding South African variant na binansagan bilang 501y.v2 na naitala sa 10 iba’t ibang bansa.
Iba rin umano ito sa nadiskubreng 1701v variant sa Malaysia at p681h variant na natuklasan naman sa Denmark.
Habang sa Denmark naman nakita ang cluster 5 variant na unang natuklasan sa mga minks.
Samantala, nananatili pa ring pinakamalawak at nangingibabaw na variant ng COVID-19 sa buong mundo ang d614g variant na siyang unang natuklasan sa China noong 2019.
Sa kasalukuyan, naitala na sa 41 bansa ang UK variant o voc202012/01 na nadetect noong nakaraang Disyembre.