Uunahin sa gagawing pag-aangkat ng bakuna kontra COVID-19 ng mga local government units (LGU) ang mga lugar na may matataas na kaso ng virus.
Ayon kay Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque, kabilang sa mga LGUs na ito na kailangang iprayoridad ay ang Metro Manila, Cebu, Davao, at Calabarzon.
Sakali naman aniyang makakuha na ng bakuna ang mga nabanggit na lokal na pamahalaan, kinakailangan lamang na sundin nila ang utos ng punong ehekutibo na unahing bigyan ng bakuna ang kanilang mga medical frontliners, mga senior citizens, maging ang mga uniformed personnel.
Giit ni Roque, desisyon pa rin ng national government at ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang dapat na sundin pagdating sa distribusyon o pagro-roll out ng mga bakuna na aangkatin ng mga lokal na pamahalaan. — ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)