Bawal nang uminom ng anumang nakalalasing na inumin sa buong lungsod ng Maynila simula kaninang alas 1:01 ng madaling araw hanggang mamayang gabi.
Ito’y matapos ipatupad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang liquor ban sa lungsod kaalinsabay ng Traslacion 2021.
Kasunod nito, nilagdaan na rin ni Manila Mayor Isko Moreno ang kautusan na nagsususpinde sa online class ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod.
Wala ring pasok sa trabaho ang mga kawani ng Manila City Hall bilang pakikiisa na rin ng lungsod sa pagdiriwang at pag-iingat na rin sa COVID-19.