Nagdesisyon ang lokal na pamahalaan ng Cebu na suspendihin ang pinakatampok na palabas sa Sinulog Festival na ritual showdown na nakatakdang isagawa virtually sa Enero 17, matapos sumipa ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Ayon kay Cebu City Vice Mayor Mike Rama ayaw na nitong madagdagan pa ang naitalang 104 na kaso ng COVID sa lungsod sa loob lamang ng isang linggo.
Aniya, sa pamamagitan ng pagkansela sa pagdiriwang mapagtutuunan nito ang contact tracing sa mga bagong kasong naitala.
Samantala, umaasa naman ang lungsod na maisasagawa ang dance competition sa buwan ng Abril kasabay ng pagdiriwang ng ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa bansa, ito’y kung pahihintulutan na sa Abril ang pagtitipon-tipon.—sa panulat ni Agustina Nolasco