Dinapuan ng COVID-19 ang 12 empleyado ng Department of Health Western Visayas Center for Health Development o DOH-CHD6.
Dahil dito, ayon kay Dr. Mary Jane Juanico, head ng infectious disease cluster ng DOH region 6, nagpapatuloy ang contact tracing upang matunton ang mga nakasalamuha ng mga empleyado.
Sa mga kumpirmadong kaso, tig-isa mula sa engineering unit at health and promotion office habang sampu naman mula sa regional epidemiology and surveillance unit (RESU).
Gayunman, nilinaw ni Juanico na wala pa silang “concrete findings” kung paano at saan nahawa ng virus ang kanilang mga kawani lalo pa’t kababalik pa lamang ng mga ito sa kani-kanilang trabaho matapos ang holiday season.