Nanganganib masibak sa serbisyo ang isang pulis mula sa Caraga Regional Police Office matapos magpositibo sa iligal na droga.
Kinilala ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Debold Sinas ang naturang pulis na si Cpl. John Rey Ibasco na naka-assign sa regional logistics and research development division.
Kabilang si Ibasco sa 332 pulis na isinailalim sa surprise drug test kung saan, tanging ang nabanggit lamang ang nagpositibo sa paggamit ng bawal na gamot.
Dahil dito, ipinag-utos na ni Sinas ang imbestigasyon at pagsasagawa ng summary dismissal proceedings laban kay ibasco.
Nagbanta pa ang PNP chief sa iba pang mga pulis na gumagamit ng iligal na droga na tumigil na o magpaalam na sa kanilang uniporme.