Binalot ng dilim ang buong Pakistan makaraang magkaproblema sa electricity distribution system na nakaapekto sa mahigit 200 milyong mamamayan.
Paliwanag naman ni Energy Minister Omar Ayub Khan, ang countrywide blackout ay dulot ng biglaang pagbagsak ng frequency sa power transmission system.
Magugunitang nagkaroon din ng malawakang brownout dahil sa umano’y pag-atake ng mga rebelde sa mga pangunahing linya ng kuryente noong 2015.