Itinalagang bagong MMDA chairman si dating Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos, Jr.
Kinumpirma ito ni Senador Bong Go.
Pinalitan ni Abalos si dating MMDA Chairman Danilo Lim na sumakabilang buhay noong isang Linggo dahil sa COVID-19.
Si Abalos ay una na ring nagpositibo sa COVID-19 gayundin ang kaniyang magulang kung saan ang amang si Benjamin Abalos ay nagsilbing MMDA Chairman mula 2001 hanggang 2002.
Samantala itinalaga rin ng Pangulong Rodrigo Duterte si Mark Lapid bilang Chief Operating Officer ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).
Nakasaad sa sulat ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa board of directors ng TIEZA na tatasaluhin ni Lapid ang hindi natapos na termino hanggang sa June 30 ni dating CEO Pocholo Paragas na una nag-resign noong November 2020.
Una nang na puwesto si Lapid sa nasabing ahensya na dating Philippine Tourism Authority sa ilalim ng Department of Tourism sa Arroyo at Aquino administration.
2016 nang bumaba sa tungkulin si Lapid para tumakbo sa senatorial elections kung saan siya natalo.