Sumampa na sa 489,736 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 2,052 panibagong COVID-19 cases ngayong Lunes, Enero 11.
Nasa 22,114 naman ang active cases.
Samantala, 10 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t umakyat na 458,206 ang total recoveries
Habang 11 naman ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 9,416 na ang death toll ng coronavirus sa bansa. — sa panulat ni John Jude Alabado
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,052 ngayong Lunes, Enero 11.
Pumalo na sa kabuuang 489,736 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 22,114 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/qwFYcbJ45F
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 11, 2021