Iminungkahi ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na ipatupad na ang online registration sa pagkuha ng taxpayer identification (TIN).
Ayon kay Salceda, walang dahilan para hindi ikunsidera ng BIR ang virtual na pagkuha ng registration ng mga taxpayers.
Giit ni Salceda, karapatdapat na bigyan na kaunting kaalwanan ang mga negosyante at taxpayer na magpaparehistro bilang malaki ang ambag nila sa ekonomiya ng bansa.
Nagbabala naman si Salceda sa BIR na kung hindi ito gagawin, Kongreso na ang kikilos para dito.