Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga lumahok sa nakalipas na Traslacion ng itim na Nazareno.
Ayon kay Dr. Ana Ong-Lim ng DOH Technical Working Group, kailangang i-monitor nila ang kanilang sarili sa anomang sintomas ng COVID-19.
Ani Lim, mas mabuti rin kung magse-self isolate ang mga sumali sa Traslacion at huwag nang hintayin na makaramdam pa ng sintomas at makapanghawa ng iba.
Una rito sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na nasa 400,000 ang tinatayang dumalo sa Traslacion.