Itinigil muna ng Randomised, Embedded, Multi-factorial, Adaptive Platform Trial for Community-Acquired Pneumonia (REMAP-CAP) ang pagbibigay ng COVID-19 blood plasma sa mga pasyente ng COVID-19 na may malubhang kalagayan.
Ito ay matapos lumabas sa isinagawang trial ng ilang eksperto na walang benepisyong nakuha ang aabot sa 900 na mga pasyenteng nasa Intensive Care Unit (ICU) na binigyan ng COVID-19 blood plasma.
Paglilinaw naman ng ilang siyentipiko, wala namang masamang naidudulot ang pagbibigay ng convalescent plasma at patuloy pa rin itong ibinibigay sa mga pasyenteng nasa moderate na kondisyon maliban lamang sa mga nasa kritikal na kalagayan.—sa panulat ni Agustina Nolasco.