Isinama ng ang People’s Republic of China (PRC) sa mga bansang sakop ng travel restriction sa gitna ng banta ng bagong variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Bukod pa riyan, kabilang din ang mga bansang Pakistan, Jamaica, Oman, at Luxembourg.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, epektibo ang naturang kautusan pagsapit ng hatinggabi ng ika-13 hanggang ika-15 ng Enero, taong 2021.
Kasunod nito, sinabi naman ni Roque na papayagan pa ring makapasok ng bansa ang mga Pilipino pero kakailanganin ng mga ito na sumailalim sa 14-day quarantine. —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)