Ipinatitigil na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mining activites sa Tumbagaan Island sa Languyan, Tawi Tawi.
Ipinabatid ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, matapos makatanggap ng mga report na “completely devastated” umano ang nasabing isla dahil sa mining operations.
Sinabi ni Nograles, na ipinag-utos ng pangulo ang puspusang rehabilitasyon sa Tumbagaan Island sa pamamagitan ng pagtatanim ng mas maraming puno at iba pang paraan para ma rehabilitate ito.
Ikinukunsider din aniya nila ang iba pang aksyon para makita ang tunay na estado ng isla at pagsasagawa ng mining operations sa lugar.