Pumalag ang Malakanyang sa pahayag ng ilang senador na pag-monopolya ng gobyerno sa pamamagitan ng multi-lateral tripartite agreement.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang batayan ang pahayag ng ilang senador dahil uubrang makiisa ang local government units sa proseso sa pamamagitan ng nasabing kasunduan.
Binigyang diin ni Roque na makakabili ang LGU ng bakuna subalit kailangang pumasok sa multilateral agreement ang mga ito para sa advance purchase.
Government to government aniya ang paraan ng pagbili ng Pilipinas ng bakuna sa pharmaceutical companies kayat kailangan din ang go signal ng gobyerno para makabili ang LGU ng sariling bakuna.
Ipinabatid ni Roque na batay sa national vaccination program ang LGU ang bibili, magbabayad sa lahat ng gastos sa delivery maging ang pagtuturok ng bakuna sa kanilang constituents.