Mahigpit na pinababantayan sa publiko ni Congressman Inno Dy ang online hearings ng Kamara kaugnay sa isinusulong na pagamiyenda sa konstitusyon.
Ito ayon kay Dy, ay dahil makakatulong ang pagbabantay sa hearing sa assessment nila sa usapin bukod pa sa huli, ang publiko pa rin ang magpapasya sa magiging resulta ng mga pagkilos para amiyendahan ang Saligang Batas sa pamamagitan ng plebisito.
Sinabi ni Dy, na mas mabuti kung maraming alam ang publiko sa mga proposed amendments para may idea ang mga ito kung kailangan o hindi ang mga itinutulak na pagbabago sa probisyon ng konstitusyon.
Ngayong araw na ito inaasahang masisimulan ng House Committee on Constitutional Amendments ang unang pagdinig sa itinutulak na Cha-Cha.
Muli namang iginiit ni Committee Chairman Ako Bicol Party List Representative Alfredo Garbin, na tanging economic provisions lamang ng konstitusyon ang kanilang tatalakayon base na rin sa resolusyong inihain mismo ni House Speaker Lord Allan Velasco.