Nadakip ang dalawang babaeng senior citizen sa Lucena City, Quezon sa ikinasang buy-bust operation ng Lucena Police matapos makumpiska ng mga otoridad ang hinihinalang ilegal na droga mula sa dalawang matanda nitong Martes.
Ayon kay Lucena Chief of Police Colonel Romulo Albacea, isang pulis ang nagpanggap na buyer, dahilan upang makitaan ng ilang sachet ng hinihinalang shabu ang dalawang matanda na nagkakahalaga ng higit sa P700,000.
Dagdag pa ni Albacea na bagong drug personality ang dalawa na aniya’y magkapatid at kinilalang sina Gloria De Chavez, 61 anyos at Zenaida De Chavez, 60 anyos. —sa panulat ni Agustina Nolasco