Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensyon ng mining operation sa Tumbagaan island sa Languyan, Tawi-Tawi.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ito’y para bigyang daan ang rehabilitasyon ng naturang lugar dahil sa umano’y malala nitong sitwasyon dahil sa pagmimina.
Sisimulan umano ang rehabilitasyon sa pamamagitan ng pagtatanim ng maraming puno sa isla.