Nakitaan ng OCTA research ng pagtaas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region sa mga nakalipas na araw.
Ayon sa grupo, ito na marahil ang pinangangambahang epekto ng mga aktibidad noong holiday season.
Kung magpapatuloy umano ang pagtaas sa bilang ng kaso dapat nang magpatupad ang gobyerno ng mga hakbang para mapigilan o makontrol ang pagsipa ng COVID-19 case sa bansa.
Batay sa huling tala ng department of health, mahigit dalawang libo ang nadagdag sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.