Walang katiyakan kung kailan tatanggalin ng Facebook ang pag-ban nito sa Facebook account ni outgoing President Donald Trump ayon kay platform 2nd command Sherly Sandberg.
Ito ay matapos suspendihin ng Facebook at ng Instagram ang account ni Trump nang magpatawag ito ng kanyang mga taga-suporta sa US capitol upang magprotesta laban sa pagsertipika sa pagkapanalo ni President-elect Joe Biden.
Ayon kay Facebook Chief Mark Zuckerberg, ginamit ni Trump ang Facebook para magpatawag ng karahasan at maaaring maulit o ipagtuloy niya muli ito.
Giit naman ni Sandberg, ang ginawa nilang hakbang ay patunay lamang na ang kanilang polisiya ay walang kinikilingan kahit pa Presidente.
Matatandaang, nagbunsod din ito upang burahin ng pamunuan ng twitter ang account ni Trump na sinundan rin ng pagkasuspinde sa snapchat at twitch account nito.— sa panulat ni Agustina Nolasco