Nagpaalala sa publiko ang Department Of Health o DOH hinggil sa sakit na maaaring makuha tuwing tag-lamig.
Kabilang na rito ang sipon, ubo, trangkaso, tigdas at bulutong.
Ayon kay Dr. Eric Tayag, Director ng Knowledge Management and Information Technology Service ng DOH, higit na kailangan ingatan ang kalusugan sa panahon ngayon lalo’t malamig.
Problema rin aniya ang hindi pagiging bakunado ng maraming bata dahil sa naging epekto ng lockdown.
Kaya naman ilan sa payo ng DOH, magsuot ng makapal na damit, iwasang magtagal sa labas o magpagabi lalo na sa may edad at bawasan ang pag-inom ng kape at alak.
Higit sa lahat palakasin ang katawan at mag ehersisyon upang lumakas aniya ang resistensiya laban sa iba’t ibang sakit.