Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasinaya sa Metro Manila Skyway Stage 3 project na siyang nagdudugtong sa North Luzon at South Luzon Expressways.
Kasama ni Pangulong Duterte sa inagurasyon ang negosyanteng si Ramon Ang, President at COO ng San Miguel Corporation, ang pribadong kumpanya na nagpondo sa proyekto.
Sa naging talumpati ni Pangulong Duterte, kanyang pinasalamatan ang mga ordinaryong manggagawang Filipino na nagpagod at nagpawis para maging posible ang Skyway Stage 3 project.
Gayundin ang mga negosyanteng tulad nina Ang at Manny Pangilinan na tumutulong sa pamahalaan para matupad ang mga katulad na malalaking proyektong pang-imprastratura sa bansa.
Umaasa rin ang Pangulo na magtuloy-tuloy na ang pagsusulong ng mga katulad na proyekto upang tuluyang lumaya na ang lahat ng mga Filipino mula sa kahindik-hindik na problema sa mabigat na trapiko.
Today the life of many may not really be very, very comfortable but ang hiningi ko lang naman komportable lang na buhay and if this will continue the plan, the Skyways and more then we will be freed of the horrendous traffic congestion that is obtaining in all cities, crowded cities in the world,” ani Duterte.