Tiniyak ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na magkakaroon ng access sa bakuna kontra COVID-19 ang lahat ng mga Local Government Units (LGUs).
Ito ay sa gitna ng target ng pamahalaan na makakuha ng 148 milyon doses ng bakuna ngayong taon habang may ilang LGUs na rin ang nagkukusang bumili ng suplay sa pamamagitan ng mga kasunduan sa mga manufacturers.
Ayon kay Galvez, una nang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging libre para sa lahat ng mga Pilipino ang makukuhang bakuna kontra COVID-19 ng pamahalaan.
Kaugnay nito, nangako rin si Galvez na walang maiiwanang mga LGUs.
Aniya, ngayong taon, kanilang inaasahang mababakunahan ang nasa 50 hanggang 70 milyong Pilipino habang magsasagawa naman ng second wave ng vaccination program sa 2022.