Naka-red alert na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council bilang paghahanda sa bagyong lando.
Naka-standby na rin ang mga personnel ng NDRRMC partikular sa Northern Luzon kung saan inaasahang magla-la-landfall ang bagyo bukas ng gabi o linggo ng madaling araw.
Huling namataan ang bagyo sa layong 530 kilometers East ng Baler, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers per hour at pagbugso na 160 kph.
Nakataas pa rin ang storm signal number 2 sa Aurora at Isabela; signal number 1 sa Cagayan, Kalinga, mt. Province, Ifugao, Benguet, Quirino, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija;
Bulacan, Pampanga, Tarlac, Pangasinan, Rizal, Quezon kabilang ang Polillo island, Camarines Norte, Camarines Sur at Catanduanes.
By: Drew Nacino