Nagpaalala si Dr. Nina Gloriani, head ng Philippine Vaccine Panel Expert sa mga pribadong sektor at mga lokal na pamhalaan na mas nakabubuting sumunod sa mga inilatag na plano ng national government pagdating sa pag-aangkat at distribusyon ng COVID-19 vaccine.
Sa Laging Handa briefing sinabi ni Dr. Gloriani, na mayroon nang inilatag na mga polisiya o proseso ang pamahalaan na dapat sundin para maiwasan ang pagkakagulo sa pagbili at pamamahagi ng bakuna.
Malaking tulong ani Dr. Gloriani sa pamahalaan na maging katuwang ang mga LGUs pagdating sa pagbabakuna, pero mayroon nang government plans hinggil dito na sana’y masunod ng lahat.
Sa huli, giit ni Dr. Gloriani, ito’y para hindi magkaroon ng kumpetisyon at kalituhan sa pagtuturok ng COVID-19 vaccine sa mga Pilipino.