Sumalang sa random drug test ang mga matataas na opisyal ng National Capital Region Police Office (NCRPO), kabilang ang mga commander at hepe ng iba’t-ibang tanggapan at support units.
Sa New Year’s Call na ginanap sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, mismong si NCRPO chief, Brig. Gen. Vicente Danao Jr. ang nanguna sa drug test ng mga hepe o opisyal ng pulisya.
Matagal nang tradisyon sa uniformed service ang New Year’s call kung saan pinapayagan ang mga matataas na opisyal na magpakita ng courtesy at loyalty sa kani-kanilang mga commander.
Samantala, binigyang diin ni Danao na layon ng random drug test na malinis ang hanay ng PNP laban sa illegal na droga.